^

PSN Palaro

Kahit natalo ay may bonus!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
KARAMIHAN sa mga nagkakampeon sa PBA ay nabibigyan ng bonus na trip abroad bukod pa siyempre sa ang matatanggap nila. Iyan ang kalakaran sa PBA, e. Kumbaga’y binibigyan ng isang champion team ang mga manlalaro nito ng pagkakataong makapag-unwind" o makapagrelax kasama ang kanilang pamilya sa ibang bansa. Gantimpala ito sa hard work na ipinapakita nila sa kabuuan ng isang torneo.

Pero kakaiba itong Talk N Text Phone Pals!

Kaya kahit halos nangulelat na sila sa kasalukuyang Gran Matador-PBA Philippine Cup, heto’t tutulak pa sila tungong United States at Australia!

Hindi bonus ito. Sa halip ay magsasagawa sila ng team building sa mga bansang nabanggit. Kasama din sa itinerary ang pakikipaglaro sa mga piling teams sa mga bansang ito bilang paghahanda para sa susunod na season ng PBA.

Wow!

Aba’y parang nagkampeon na rin sila!

Biruin mong team building lang ay sa United States at Australia pa gagawin!

Ang ibang koponan nga, kadalasan ang team building ay sa Subic o sa Tagaytay lang, e.Sasakay lang sila ng bus at magpapalipas ng ilang araw sa medyo tahimik na lugar kung saan magbo-"bonding" sila. Pero ang Phone Pals ay kukuha ng passport at visa, sasakay sa eroplano at sa ibang bansa magsasagawa ng team building.

Sosyal!

Kumbaga’y ibinibigay talaga ng pamunuan ang lahat ng puwede nitong ibigay sa mga manlalaro sa pag-asang magkakampeon din sila.

Sa tutoo lang, napakaswerte ni coach Derick Pumaren at mga players niya. Biruin mong ibinigay sa kanila ng management ang lahat ng gusto nila sa Philippine Cup. Lahat ng kursunada nilang players ay nakuha nila.

Kaya lang ay minalas pa rin sila at maagang natigok kahit na sa pananaw ng karamihan ay sila ang may pinakamalakas na line-up sa liga.  Siguro nga kulang sa teamwork ang Talk N Text kung kaya’t kailangan silang magsagawa ng team building!

Pero siyempre, sa susunod na season, wala na silang excuse para matalo. Mas mataas ang magiging expectation ng management sa Phone Pals at kailangang magkampeon na sila.

E, paano kung muli silang sumadsad?

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari!

Kasi nga’y dapat na ring suklian nang maganda ng mga Phone Pals ang lahat ng pagtitiwala at pagsuporta sa kanila ng management.

Nakakahiya naman kung patuloy silang mabibigo!
* * *
BELATED birthday greetings kay Ayvone Asensi na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Huwebes, Hunyo 8.

AYVONE ASENSI

BIRUIN

DERICK PUMAREN

PERO

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

SILA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with