Sapul nang dumating ito mula sa Mexico noong nakaraang linggo, nakipag-isparing na si Larios na kinabibilangan ng 122-pounder na si Toshiaki Nishioka at WBC bantam champion Hozumi Hasegawa, na isa ring kaliwete gaya ni Pacman, ng tig-apat na rounds.
Naghahanda si Hasegawa sa kanyang title showdown laban kay Genaro Garcia sa July 15, sa Japan din.
Nagpamalas ng mabigat na hamon ang challengers laban kay Larios kung saan umiskor ng ilang suntok si Hasegawa laban sa tubong-Guadalajara ngunit gumanti ang Mexican ng matutulis na combinations gamit ang kanyang height at mas mahabang reach.
Sinabi ng trainer ni Larions na si Edison Reynoso na tama ang kanilang manager na si Rafael Mendoza na dalhin ang kanilang alaga sa Japan dahil walang masyadong magagaling na kaliwete sa Mexico.
Ayon kay Reynoso, si Larios ay may timbang na 130.25 lbs. sa kasalukuyan na lagpas sa l30 lbs. weight limit ni Pacquiao.
Ang 29-gulang na si Larios ay ang ikalimang sunod na Mexican fighter na lalaban kay Pacman, na nakikilalang annihilator ng mga Mexican warriors, kung saan kabilang na sa kanyang mga naging biktima ay sina Erik Morales at Marco Antonio Barrera.
Naging paborito si Morales laban kay Pacquiao sa kanilang sagupaan noong Enero dahil tinalo niya ang Pinoy boxing hero sa kanilang unang pagkikita noong March 2005.
Matapos matalo kay Zahir Raheem noong September 2005 at matalo kay Barrera noong 2004, inaasahang babawi si Morales para durugin si Pacquiao sa ikalawang pagkikita.
Tinawag na tsamba ang panalo ni Raheem kay Morales at ang huling tatlong laban ni Eric laban kay Barrera ay mga close fights.
Samantala, kailangang maging matalino si Bobby Pacquiao dahil kung hindi ay makatitikim siya ng masakit na kabiguan sa beteranong si Kevin Kelley na makakatapat niya sa Sabado (Linggo) sa Thomas and Mack Center sa Los Vegas.