Magkaayos na sana
June 9, 2006 | 12:00am
Umaasa si American trainer Freddie Roach na maaayos sa magandang pamamaraan ang proble-mang kinasasangkutan ng American at Filipino handlers ni Manny Pacquiao.
Sa lumabas na panayam ng isang boxing website, sinabi ni Roach na sisikapin niyang kumbinsihin si Shelly Finkel at idaan ang paglutas sa problema sa usapan na magaganap ngayon.
Matatandaan na nagsampa ng US$7 million suit ang grupo ni Finkle laban kina Wakee Salud at Atty. Jing Gacal bunga ng pinasok nilang kontrata sa gagawing Pacquiao vs Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
"Everyone is going to be here tomorrow to discuss the contract. I can say that the contract had to do with his next fight, but the thing is, everyone will be here and well get this straightened out," wika ni Roach sa nasabing panayam.
May problema man ay tiniyak naman ng American trainer na nasa maayos na kalagayan si Pacquiao ay buhos ang isinasagawang pagsasanay.
May dalawang Ruso na sparring partner ni Pacquiao bukod pa sa ginagawang regular na road work. Upang ipakita na nasa magandang kondisyon ang dating two time world champion, ibinida pa ni Roach na tumitimbang na ng 134lbs. si Pacquiao
"One thing about Manny, in the gym his focused. Hes training really hard and I love where is right now with his training. We are keeping his focused and all of the participants in this lawsuit are coming over and I feel confident we can get this thing past us," sambit pa ni Roach.
Si Pacquiao ay patuloy na magsasanay sa Wild Card gym hanggang Hunyo 19 at sa sumunod na araw ay lilipad na sila patungong Manila upang dito tapusin ang ensayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended