^

PSN Palaro

Toyota Otis nauna

- Carmela Ochoa -
Nakuha ng Toyota Otis ang unang alas sa kani-lang titular showdown laban sa Harbour Centre matapos ang 68-51 pa-nalo sa Game-One ng 2006 PBL Unity Cup finals sa Olivarez College Sports Center kahapon sa Parañaque.

Maagang naramda-man ng Toyota Sparks ang kanilang panalo ma-tapos magposte ng 21-puntos na kalamangan, 60-39, may 7:37 minuto pang nalalabi sa ikaapat na quarter matapos nilang pakawalan ang 20-2 bomba upang makakalas sa 37-40.

"Winning Game 1 doesn’t win champion-ship. It doesn’t mean a thing if you will not win the championship in the end," ani coach Louie Alas sa Toyota Otis na may 1-0 bentahe na sa best-of-five titular series.

Nagtangkang magha-bol ang Portsmasters na gumawa ng 10-0 sa pangunguna ni Joseph Yeo na umiskor ng anim na puntos sa yugtong ito ngunit mabilis na naka-bawi ang Toyota.

Sa unang laro, mata-pos matanggalan ng koro-na, hindi pinakawalan ng Rain Or Shine ang konso-lasyong ikatlong puwesto matapos ilampaso ang Montaña Pawnshop, 90-65.

vuukle comment

GAME-ONE

HARBOUR CENTRE

JOSEPH YEO

LOUIE ALAS

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

RAIN OR SHINE

TOYOTA OTIS

TOYOTA SPARKS

UNITY CUP

WINNING GAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with