ABAP suko na sa pagkuha ng dayuhang coach
June 8, 2006 | 12:00am
Hindi na kukuha ng dayuhang coach ang boxing para magsanay ng National team na sasabak sa Doha Asian Games sa Disyembre.
Ayon kay Rogelio Fortaleza, secretary-general ng Amateur Boxing Association of the Philippines, sumuko na sila sa pagkuha ng Cuban coach matapos na hiranging Cuban national coach ang orihinal nilang pinili na si Raul Fernandez Liranza.
Paulit-ulit na binibigo ng Cuban government ang hiling ng ABAP na makuha si Liranza noong 2005 SEA Games sa Manila.
Ito ang Cuban coach na responsable sa silver medal na tinapos ni Mansueto Onyok Velasco noong 1996 Atlanta Olympics.
Ayon kay Fortaleza, itutuon na lang nila ang kanilang pansin sa serye ng torneo na pagbabasehan ng pagpili sa miyembro ng national team para sa Doha Games.
Ang ilang proseso sa pagpili ay magsisimula sa Olympic Festival sa June 20-26 sa Tubod, Lanao del Norte.
Nakatakda ring lumahok ang National pool sa Hanoi,Vietnam sa June 10-18, Karachi, Pakistan sa July 8-14, Chinese Taipei sa July 5-10 at sa 21st Presidents Cup sa Aug. 1-6 sa Jakarta, Indonesia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am