Nadidismaya si Pacquiao sa pangyayari na kung saan ang tatlong Amerikanong ito ay idinemanda ang kanyang mga Filipino advisers na sina Wakee Salud at abogadong si Ging Gacal.
Inamin ni Pacquiao na matagal nang nagpapahaging ang tatlong dayuhan na agad silang bigyan ng renewal sa kontratang mapapaso na sa Enero 31, 2007.
Pero lumabo na ito lalo pat napapansin na ng dating two time world champion ang umanoy di ring pagdedeklara ng tunay na nilalaman ng kontratang iniaalok sa kanya tuwing lalaban siya.
"Lagi nilang ini-insist na kailangan mag-renew ako ng kontrata pero hindi mangyayari iyon. Alam ko na ngayon na marami pa silang kulang sa akin na hindi binibigay," wika ni Pacquiao. "Wala pang full disclosure sa laman ng kontrata."
Sina Finkel, Khan at Davidson ay nagsampa ng demanda kina Salud at Vacal sa Los Angeles bunga ng pagpayag ni Pacquiao na isama ang ABS-CBN bilang co-promoter sa magaganap na Pacquiao kontra Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
Humihingi sila ng danyos na $7 milyon.
Wala namang nakikitang pagkakamali si Salud sa kanyang ginawa at tiniyak na handa niyang harapin ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.
May problema man ay patuloy pa rin ang puspusang paghahanda ni Pacquiao sa nalalapit na laban sa Wild Card Gym na pag-aari ni American trainer Freddie Roach. Ang team Pacquiao ay nakatakdang bumalik ng bansa sa Hunyo 20 sakay ng PAL at magpapatuloy ng pagsasanay sa Wild Card gym na pag-aari ni Pacquiao sa Sucat, Parañaque. (JMM)