Mainit na salpukan sa quarterfinals ngayon
June 7, 2006 | 12:00am
Gaano man kahirap, nagawang makalusot ng defending champion Barangay Ginebra ngunit panibagong yugto na naman ng pagsubok ang kanilang haharapin sa pagpinid ng quarterfinal round ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup para sa kanilang misyong ipagtanggol ang iniingatang titulo.
Inangkin ng Gin Kings ang ikaapat at huling quarterfinal berth matapos ma-sweep ang tatlong laro sa wild card phase kahit na pilay ang kanilang line-up sa pagkawala nina Andy Seigle, Romel Adducul at Mike Holper na nadagdagan pa ng pagkaka-injured ni Jayjay Helterbrand.
Isinelyo ng tropa ni coach Siot Tanquingcen ang No. 6 slot at ang karapatang harapin ang Red Bull sa pamamagitan ng makapigil hiningang 118-114 overtime win laban sa Air21 noong Linggo upang tapusin ang wild card phase bilang top team sa kanilang 9-9 win-loss record.
Hindi pa tiyak kung makakalaro si Helterbrand na nagkaroon ng injury sa plexor muscle sa kaliwang binti ngunit inaasahang makakagawa ng paraan ang Ginebra sa pangunguna nina Eric Menk at Mark Caguioa sa kanilang pakikipagharap sa Bulls ngayong alas-7:35 ng gabi.
Inaasahang magiging matensiyon ang labanang ito dahil may history ang dalawang koponang ito na minsan nang nagkarambulan ang kanilang mga fans sa isa sa kanilang pagkikita.
Mauuna rito ay magsasagupa naman ang Coca-Cola at ang Alaska sa isa pang best-of-five quarterfinal series na sisimulan ng alas-4:40 ng hapon.
Ang mananalo sa dalawang seryeng ito ay uusad sa semifinal round kung saan naghihintay na ang Purefoods Chunkee at San Miguel Beer na parehong nakakuha ng awtomatikong semis slots bilang top-two teams sa classification round. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest