Castillo, Magnaye kampeon

Pawang nagsipagtala ng panalo sina Centro Atletico’s Gelita Castillo at Peter Magnaye ng panalo upang masikwat ang singles crowns sa centerpiece 14-under division ng JVC Open Junior Badminton Championships sa SM Mall of Asia kahapon.

Bumangon ang 11-anyos na si Castillo mula sa unang set na pagkadapa upang igupo si Abigail Garcia, 16-21, 21-6, 21-17 at sungkitin ang girls’ diadem.

Sa kabilang dako, nakopo naman ni Magnaye ang titulo sa boys division sa bisa ng straight set na panalo laban sa 13-anyos PNP bet na si Kevin Panganiban, 21-13, 24-22.

Kinuha naman ni Garcia ang korona sa girls’ double ng makipagtambal ito kay Malvinne Alcala ng kanilang sibakin ang pares nina Jessa Sampurna at Pia Fabros, 21-16, 21-10.

Nauna rito, ginapi ni Lance Bautista si Michael Bote, 21-15, 16-21, 21-18 upang agawin ang boys singles crown, habang pinayukod ni Gelita Castillo si Alcala, 21-16, 21-11 upang makopo ang girls’ single crown sa 12-under division ng tournament na ito na itinataguyod ng JVC (PHIL.), Inc.

Show comments