Cojuangco, panauhin sa NCAA
June 4, 2006 | 12:00am
Panauhing pandangal sa opening ceremonies ng National Collegiate Athletics Association ang Philippine Olympic Committee president na si Jose Peping Cojuangco.
Ito ang inihayag ni Bernie Atienza ng host na College of St. Benilde na siya ring chairman ng Management Committee.
Bilang pampagana, ang defending champion na Colegio de San Juan de Letran at ang host team na CSB Blazers ang opening salvo ng basketball competition para sa ika-82 season ng NCAA.
Ala-una ng hapon ang magarbong opening ceremonies na susundan ng Letran, St. Benilde Game sa alas-2:00 ng hapon.
Isusunod ang sagupaan ng Philippine Christian University at Mapua Institute of Technology sa alas-4:00 ng hapon na susundan ng sagupaan ng San Sebastian College at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-6:00 ng gabi. Habang ang last game ay sa pagitan ng Jose Rizal University at San Beda College sa alas-8:00.
Ang opening game ay sa Araneta Coliseum na siya ring venue ng Final Four at ng championship series habang ang regular venue para sa dalawang round na eliminations ay ang Ninoy Aquino Stadium.
Bagamat nabigong makuha ng St. Benilde ang titulo sa main event na basketball competition, nakuha naman- nila ang general championship noong nakaraang taon. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended