Sa iba pang laban, ginapi rin ni GM Friso Nijboer ang reigning national open champion na si NM Darwin Laylo sa English Duel sa board four, habang tinapos naman nina GMs Mark Paragua at Eugene Torre sa draw ang kanilang laban kontra kina GMs Ivan Sokolov at Sergey Tiviakov sa board one at two, ayon sa pagkakasunod upang maiiwas ang Pinoy chessers sa pagkabokya.
Bunga nito, taglay ng Philippines ang 25 puntos na naglaglag sa kanila sa 35th-38th places.
Sa kababaihan, hinatak ng 60th-seed womens RP team ang kanilang laban sa 1.5-1.5 draw laban sa 18th seeded Lithuania.
Isinalba nina rookies WNMs Catherine Pereña at Sherily Cua ang kabiguan ni WFM Sheerie Joy Lomibao sa mga kamay ni WIM Viktorija Cmilyte upang manatiling nakikisalo mula sa 21st-25th place taglay ang 19 puntos.
Nakipaghatian ng puntos si Pereña kay IM Dagne Ciuksytem habang hiniya naman ni Cua si Daiva Batyte.