^

PSN Palaro

Pamamayagpag ni Antonio napigil

-
Hindi kinatigan ng buwenas si GM Rogelio ‘Joey’ Antonio, gamit ang mga itim na piyesa, yumukod ito sa kapwa GM na si Loek Van Wely sa 23 moves ng Nimzo-Indian Defense sa board three kasabay ng pagdapa ng 35th seeded men’s RP team sa 8th-seded all-GM squad Netherlands, 1-3 sa 11th round ng 37th World Chess Olympiad noong Biyernes ng gabi sa Olympic Village sa Turin, Italy.

Sa iba pang laban, ginapi rin ni GM Friso Nijboer ang reigning national open champion na si NM Darwin Laylo sa English Duel sa board four, habang tinapos naman nina GMs Mark Paragua at Eugene Torre sa draw ang kanilang laban kontra kina GMs Ivan Sokolov at Sergey Tiviakov sa board one at two, ayon sa pagkakasunod upang maiiwas ang Pinoy chessers sa pagkabokya.

Bunga nito, taglay ng Philippines ang 25 puntos na naglaglag sa kanila sa 35th-38th places.

Sa kababaihan, hinatak ng 60th-seed women’s RP team ang kanilang laban sa 1.5-1.5 draw laban sa 18th seeded Lithuania.

Isinalba nina rookies WNMs Catherine Pereña at Sherily Cua ang kabiguan ni WFM Sheerie Joy Lomibao sa mga kamay ni WIM Viktorija Cmilyte upang manatiling nakikisalo mula sa 21st-25th place taglay ang 19 puntos.

Nakipaghatian ng puntos si Pereña kay IM Dagne Ciuksytem habang hiniya naman ni Cua si Daiva Batyte.

CATHERINE PERE

DAGNE CIUKSYTEM

DAIVA BATYTE

DARWIN LAYLO

ENGLISH DUEL

EUGENE TORRE

FRISO NIJBOER

IVAN SOKOLOV

LOEK VAN WELY

MARK PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with