Si Manalo ay dumating dito noong Huwebes ng hapon, ilang oras matapos ang maikling stopover sa Manila matapos ang kanyang flight mula sa Las Vegas, Nevada.
Gumawa ang tubong Mandaluyong City ng pagsablay sa kanyang unang laban sa group stage na itinakda ng umaga kahapon.
Gayunpaman, hindi nagpaapekto ang 2005 World pool semifinalist nang kanyang kontrolin ang laban sa kaagahan at iposte ang 3-0 bentahe laban sa Vietna-mese foe.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagtumbukan ang tatlong iba pang Pinoy sa pangunguna ng first leg champion na si Efren Bata Reyes, Francisco Django Bustamante at Ramil Gallego.