"Oscar better be ready for this one," wika ni Larios matapos ang isa na na-mang matinding training session sa Wild Card Boxing Club sa Holly-wood, California.
Ngayong unti-unting bumabalik ang talas sa mga galaw ni Pacquiao ay inamin ni Roach na naba-hala siya nang unang mag-report sa gym si Pacquiao noong Mayo 17.
Ngunit sa maikling panahon ay napawi lahat ang kanyang mga kinata-takutan dahil sa iginalaw sa ibabaw ng ring ng pa-mosong GenSan south-paw.
Kahit na umano naku-kuha na niyang mapangiti ay hindi pa rin nai-aalis sa isipan ni Roach ang pwe-deng gawin ng isang premyadong boksinge-rong tulad ni Larios.
"I think he will be a little bit stronger at 130 lbs," wika ni Roach.
Sa unang pagkaka-taon ay hindi mahihirapan si Larios na kunin ang weight limit hindi gaya nitong kanyang mga huling laban na halos magkamatay-matay ang 59 slugger para lamang makuha ang 122 lbs.
Nakatakdang duma-ting sa Pilipinas si Roach at Pacquiao sa Hunyo 20.
Si Larios naman at tutungong Tokyo kung saan siya mag-eensayo sa loob ng apat na linggo bago ang biyahe nito papuntang Maynila isang linggo bago ang laban. (JMM)