Nakakaloka dahil pati ang sequence ng pagkakarating sa tuktok nito eh pinagdududahan na.
Nabawasan tuloy ng kredibilidad ang accomplishment ng ibang tao.
Kailangan pang mangalap ng ebidensya para patuna-yang tama ang ipinagmamalaki nila.
Pati ba naman dito may intrigahan pa?
Di bat ang importante para sa kanilang lahat eh ang maka-akyat at makabalik ng safe dito sa Pilipinas?
Ang mga Pinoy talaga....
Parang hindi tutuo considering na sila ang outstanding favorite bago nag-umpisa ang conference.
Sila rin ang isa sa mga naunang tournament leaders.
Tapos, nagkasunud-sunod ang injury ng mga star players at yun na, sunud-sunod na rin ang talo.
Ngayon, bumabawi sila hoping to make it to the next round.
Pero kailangan muna nilang mag-top sa wild card race.
At tingnan mo ang laro ng Ginebra kung sino talaga yung pursigidong maglaro.
Si Mark Caguioa.
Paano naman kasi, kinakabahan na siya na kapag hindi nag-champion ang Ginebra, isang malaking kahihiyan kapag di niya itinuloy ang hamon niyang tatakbo siya ng hubot hubad sa Baywalk dyan sa may Roxas Boulevard kapag di nag-champion ang team niya.
Ngayon, marami na tuloy ang nag-aabang niyan.
Girls, bading, matrona.