^

PSN Palaro

Mark Caguioa kinakabahan

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ngayon naman, pinag-uusapan nila kung sino talaga ang una, ikalawa at ikatlo na Pinoy na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest.

Nakakaloka dahil pati ang sequence ng pagkakarating sa tuktok nito eh pinagdududahan na.

Nabawasan tuloy ng kredibilidad ang accomplishment ng ibang tao.

Kailangan pang mangalap ng ebidensya para patuna-yang tama ang ipinagmamalaki nila.

Pati ba naman dito may intrigahan pa?

Di ba’t ang importante para sa kanilang lahat eh ang maka-akyat at makabalik ng safe dito sa Pilipinas?

Ang mga Pinoy talaga....
* * *
Nasa wild card round ang Ginebra San Miguel.

Parang hindi tutuo considering na sila ang outstanding favorite bago nag-umpisa ang conference.

Sila rin ang isa sa mga naunang tournament leaders.

Tapos, nagkasunud-sunod ang injury ng mga star players at yun na, sunud-sunod na rin ang talo.

Ngayon, bumabawi sila hoping to make it to the next round.

Pero kailangan muna nilang mag-top sa wild card race.

At tingnan mo ang laro ng Ginebra kung sino talaga yung pursigidong maglaro.

Si Mark Caguioa.

Paano naman kasi, kinakabahan na siya na kapag hindi nag-champion ang Ginebra, isang malaking kahihiyan kapag di niya itinuloy ang hamon niyang tatakbo siya ng hubo’t hubad sa Baywalk dyan sa may Roxas Boulevard kapag di nag-champion ang team niya.

Ngayon, marami na tuloy ang nag-aabang niyan.

Girls, bading, matrona.

vuukle comment

BAYWALK

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

KAILANGAN

MT. EVEREST

NABAWASAN

NGAYON

PINOY

ROXAS BOULEVARD

SI MARK CAGUIOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with