Ang No. 1 cue artists ng bansa na tinaguriang "The Magician na si Efren Bata Reyes at si Fran-cisco Django Bustamante, ang top seed sa Group 4 at Group 3, ayon sa pagkakasunod.
Pinapaborang manalo sa yugtong ito si Reyes na siyang naghari sa inaugural leg kamakailan lamang sa Ho Chi Minh City, Vietnam nang igupo nito si Li He Wen ng China, 11-6, sa finals para sa premyong US$10,000.
Paborito naman si Marvelous Marlon Manalo sa Group 2 habang si Ramil Bebeng Gallego na pumalit kay 2004 World Pool Champion Alex "The Lion" Pagulayan, ang top seed sa Group 8 sa event na ito na itinaguyod ng San Miguel. Ang mananalo sa bawat grupo sa round robin format ay uusad sa race-to-nine quarterfinals, alternate break format.
Samantala, ang kasalukuyang world champion at 16-anyos na si Wu Chia-Ching ng Chinese-Taipei ang No. 1 sa Group 1 habang ang kanyang kababayang si Chao Fong-Pao ang tournament favorites sa Group 5. Ang Korean sensation na si Jeong Young-Hwa ang No. 1 pick sa Group 7 habang ang Pinoy ngunit nag-migrate sa Malaysia na si Ibrahim Bin Amir, ang No. 1 sa Group 6. (CVOchoa)