^

PSN Palaro

San Miguel Asian 9-Ball sasargo sa Thailand

-
Magpapakitang gilas na naman ang mahuhusay na pool players ng bansa bilang mga top seeds sa kani-kanilang divisions sa ikalawang leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour na nakatakda sa June 2-4 sa Central Bangna sa Bangkok, Thailand.

Ang No. 1 cue artists ng bansa na tinaguriang "The Magician’ na si Efren ‘Bata’ Reyes at si Fran-cisco ‘Django’ Bustamante, ang top seed sa Group 4 at Group 3, ayon sa pagkakasunod.

Pinapaborang manalo sa yugtong ito si Reyes na siyang naghari sa inaugural leg kamakailan lamang sa Ho Chi Minh City, Vietnam nang igupo nito si Li He Wen ng China, 11-6, sa finals para sa premyong US$10,000.

Paborito naman si ‘Marvelous’ Marlon Manalo sa Group 2 habang si Ramil ‘Bebeng’ Gallego na pumalit kay 2004 World Pool Champion Alex "The Lion" Pagulayan, ang top seed sa Group 8 sa event na ito na itinaguyod ng San Miguel. Ang mananalo sa bawat grupo sa round robin format ay uusad sa race-to-nine quarterfinals, alternate break format.

Samantala, ang kasalukuyang world champion at 16-anyos na si Wu Chia-Ching ng Chinese-Taipei ang No. 1 sa Group 1 habang ang kanyang kababayang si Chao Fong-Pao ang tournament favorites sa Group 5. Ang Korean sensation na si Jeong Young-Hwa ang No. 1 pick sa Group 7 habang ang Pinoy ngunit nag-migrate sa Malaysia na si Ibrahim Bin Amir, ang No. 1 sa Group 6. (CVOchoa)

ANG KOREAN

ANG NO

BALL TOUR

CENTRAL BANGNA

CHAO FONG-PAO

GROUP

HO CHI MINH CITY

IBRAHIM BIN AMIR

JEONG YOUNG-HWA

LI HE WEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with