"It is physically noticeable," wika ni boxing man Mike Koncz kahapon mula sa Orange County, California.
Lalabanan ni Pacquiao si Oscar Larios ng Mexico sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
"Manny and I had a long talk the other day and he is 100% focused on his training and the July 2nd fight. This is evident by the fact that he will not be accompanying us to New York on June 5th for Bobbys June 10th fight," sambit pa ni Koncz na siya ring may hawak kay Bobby, ang nakababatang kapatid ni Manny na sasabak kay Kevin Kelley ng US sa Madison Square Garden.
Uuwi naman ng Maynila si Pacquiao--kasama si Freddie Roach--sa Hunyo 20.
Samantala, hindi nabiyayaan ng suwerteng tumama sa mga Filipino boxers na kumampanya sa labas ng bansa si Dexter Delada nang mabigo ito sa tangkang pagsungkit sa bakanteng World Boxing Council Intercontinental lightweight title laban kay Ali Funeka ng South Africa.
Ang laban na idinaos nitong Linggo sa Orient Theater sa East London, South Africa.