RP belles vs China
May 30, 2006 | 12:00am
Ang pagsungkit sa kanilang six-game sweep ang hangad ng nagtatanggol sa koronang China, samantalang ang pagpapakita na lamang ng kanilang porma ang ibibigay ng Philippine Team.
Haharapin ng RP Team ang China ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Japan at Indonesia sa alas-2 at ang banggaan ng Thailand at Kazakhstan sa alas-6 ng gabi sa pagpapatuloy ng 2006 Asian Womens Club Volleyball Championships sa Rizal Memorial Coliseum.
Ibinabandera ng mga Chinese, kinakatawan ang club team na Tianjin Bridgestone, ang malinis na 5-0 rekord kasunod ang Chinese-Taipei (4-1), Thailand (2-2), Kazakhstan (2-2), Japan (1-3), Philippines (1-3) at Indonesia (0-4).
"Talagang matindi ang China. Pero sabi ko nga, basta kami lalaban lang kahit na gaano pa kalakas ang kalaban," wika ni head coach Constante Reyes sa mga Filipina spikers na nakatikim ng tatlong dikit na kabiguan makaraang buksan ang kompetisyon mula sa 26-24; 25-13; 26-24 paggupo sa Indonesia noong Miyerkules.
Nanggaling naman ang mga Chinese buhat sa 25-15; 25-16; 25-19 paggiba sa matatangkad na Kazakhstan noong Linggo.
Sina Mary Jane Balse, Michelle Carolino, Cherry Rose Macatangay at Marietta Carolino ang muling mangunguna para sa RP Team, naghahanda sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa susunod na taon. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended