Indon spikers yuko sa Taiwanese belles

Humataw si Chun Yi Lin ng 9 puntos at 3 blocks upang tulungan ang Chinese-Taipei sa pagsi-ngil sa kanilang pang apat na panalo sa limang asig-natura. 

Tinalo ng Chinese-Taipei ang Indonesia via straight sets, 25-21; 25-17; 25-14, para manatili sa ikalawang puwesto sa 2006 Asian Women’s Club Volleyball Cham-pionships kahapon sa Rizal Memorial Coliseum. 

Bago ang sagupaan, nag-alay muna ang mga volleyball players at officials sa buong dele-gasyon ng Indonesia ng isang panalangin ukol sa halos 3,000 na namatay sa lindol sa Jakarta. 

Samantala, sasagu-pain naman ng Philippine Team ang nagdedepen-sang China sa ganap na alas-4 ng hapon bukas sa Rizal Memorial Coliseum. (Russell Cadayona)

Show comments