^

PSN Palaro

Gorres nagpasikat

-
Hindi hiniya ni Z "The Dream" Gorres ang mga taong naniwala sa kan-yang kakayahan nang gulpihin niya ang naka-labang si Pedro Rincon Miranda ng Columbia tungo sa isang unanimous decision na idinaos kaha-pon sa Home Depot Center sa Carson City, California.

Bagamat undercard la-mang ito sa idinaos na Johnny Gonzales at Fernando Montiel na sagupaan para sa titulo ng una sa WBO bantam-weight, masasabing pina-hanga uli ni Gorres ang mga nakasaksi sa laban dahil dominadong-domi-nado niya ang mas bete-ranong si Miranda.         

Sa tindi ng kanyang pi-nakawalang mga kom-binasyon ay tatlong beses na pinahalik ng 24-anyos na tubong Cebu  sa lona ang 31 anyos na katung-gali para kumbinsidong manalo sa laban.

Lahat nga ng tatlong judge ay ginawaran si Gorres ng parehong score na 100-87 upang mapa-tunayan ang kanyang pangingibabaw kay Mi-randa.

Ang panalo ay nagpa-tuloy sa magandang pag-papakita ng mga Filipino boxers na lumaban sa US.

Matatandaan na unang umani ng tagum-pay si Rey "Boom Boom" Bautista nang hiritan ng third round TKO si Fer-nando Bonilla ng Nicara-gua sa isinagawang laban noong nakaraang Mayo 21 na undercard sa Barrera-Juarez na sagu-paan.

Sa tagumpay na ito ni Gorres, naiangat niya ang kanyang ring record sa 24  panalo sa 26 na laban ka-sama ang 12 KO. (LMC)

vuukle comment

BAGAMAT

BARRERA-JUAREZ

BOOM BOOM

CARSON CITY

FERNANDO MONTIEL

GORRES

HOME DEPOT CENTER

JOHNNY GONZALES

PEDRO RINCON MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with