DI SANG-AYON SA LIBRO
May 28, 2006 | 12:00am
May bagong libro na mabibili ngayon, na mabigat ang mga pananaw ng may-akda ukol sa puwesto sa kasaysayan ng maraming kilalang player at coach.
Ang iba ay maiintindihan natin, subalit ang ilan, di natin sasang-ayunan.
Ang aklat ay "The Mad Dog Hall of Fame: the Ultimate Top-Ten Rankings of the Best in Sports", isang medyo mahangin na pamagat, subalit kilala naman ang sumulat sa kanyang kayabangan.
Siya ay si Christopher "Mad Dog" Russo, kalahati ng "Mike and the Mad Dog" na tambalan sa WFAN sa New York.
Bagamat medyo malakas ang dating niya, napagwagian din naman niya ang Marconi Award for Major Market Personality of the Year, pinakaprestihiyosong gantimpala sa radyo sa Amerika.
Sa kanyang pananaw, may kakayahan siyang timbangin ang mga pinakamatataas na personalidad, kaganapan, coach at lugar sa kasaysayan ng sports.
Subalit mabubukong ang kalakasan lamang niya ay basketbol (NBA), football (NFL) at baseball (Major League), dahil pati ang ibang sport ay ipinagsama-sama lang niya. Pani-mulang listahan niya ay ang pinakamagagaling na manlalaro sa NBA.
Pangsampu niya si Shaquille ONeal, bumubuntot kay Jerry West (9th), Oscar Robertson (8th), Bob Cousy (7th), Larry Bird (6th), Magic Johnson (5th), Kareem Abdul-Jabbar, Wilt Chamberlain, Bill Russell, at, siyempre, si Michael Jordan.
Nakakapagtaka lamang na inamin ni Russo na niligtas ni Bird at Magic ang NBA, samantalang pinasikat lang ito ni Jordan.
Gumawa rin siya ng listahan ng magagaling sa college basketball sa US.
Bagamat di-gaanong kaganda ang kanyang karera sa NBA, maraming naiambag sa Duke University si Christian Laettner, na pangsampu.
Sa papataas na ranggo, naririyan sina Alex Groza, David Thompson, Bob Kurland, Pete Maravich, Oscar Robertson, Jerry Lucas, Bill Russell at Bill Walton.
Subalit ang hari sa kanilang lahat ay si Lew Alcindor, aka Kareem Abdul-Jabbar. Katuwiran ni Russo, binago ang mga patakaran ng laro dahil sa mga ito, kaya mataas ang kanilang ranggo.
Ang di ko matanggap ay ang kanyang paningin sa mga iba pang sport. Mula ika-sampu hanggang pangatlo, pinila niya si Rod Laver, Tiger Woods, Secretariat (oo, yung kabayo), Billie Jean King, Jack Nicklaus, Babe Didirkson, Jesse Owens, at Wayne Gretzky.
Maniwala kayo o hindi, pangalawa lamang sa kanyang talaan si Muhammad Ali.
Numero uno si Jim Thorpe, na tinanggalan ng dalawang Olympic gold medal sa decathlon at pentathlon noong panahon niya. Ni hindi niya nabanggit si Jackie Robinson, na mas malaki ang naitulong sa pagpasok ng mga African-American athlete sa professional sports, o si Mark Spitz at Carl Lewis, na kapwa nakapagwagi ng siyam na Olympic gold medals, o kahit man lang si Al Oerter, na nakakuha ng ginto sa apat na sunod na Olympics.
Magaling si Russo, subalit sa pagkakataong ito, kapos ang kanyang pananaliksik.
Abangan mamaya ang programang The Basketball Show, alas-2 ng hapon sa RPN 9.
Magsisimula sa unang araw ng Hulyo ang Metro Basketball Tournament Bayantel Call Center Challenge Cup para sa lahat ng mga call centers. Ang mga interesadong sumali ay maaaring tumawag sa Metro Basketball sa 636-7638 o 0917-9948408, o kay Ricky Liwanag sa 449-2363.
Ang iba ay maiintindihan natin, subalit ang ilan, di natin sasang-ayunan.
Ang aklat ay "The Mad Dog Hall of Fame: the Ultimate Top-Ten Rankings of the Best in Sports", isang medyo mahangin na pamagat, subalit kilala naman ang sumulat sa kanyang kayabangan.
Siya ay si Christopher "Mad Dog" Russo, kalahati ng "Mike and the Mad Dog" na tambalan sa WFAN sa New York.
Bagamat medyo malakas ang dating niya, napagwagian din naman niya ang Marconi Award for Major Market Personality of the Year, pinakaprestihiyosong gantimpala sa radyo sa Amerika.
Sa kanyang pananaw, may kakayahan siyang timbangin ang mga pinakamatataas na personalidad, kaganapan, coach at lugar sa kasaysayan ng sports.
Subalit mabubukong ang kalakasan lamang niya ay basketbol (NBA), football (NFL) at baseball (Major League), dahil pati ang ibang sport ay ipinagsama-sama lang niya. Pani-mulang listahan niya ay ang pinakamagagaling na manlalaro sa NBA.
Pangsampu niya si Shaquille ONeal, bumubuntot kay Jerry West (9th), Oscar Robertson (8th), Bob Cousy (7th), Larry Bird (6th), Magic Johnson (5th), Kareem Abdul-Jabbar, Wilt Chamberlain, Bill Russell, at, siyempre, si Michael Jordan.
Nakakapagtaka lamang na inamin ni Russo na niligtas ni Bird at Magic ang NBA, samantalang pinasikat lang ito ni Jordan.
Gumawa rin siya ng listahan ng magagaling sa college basketball sa US.
Bagamat di-gaanong kaganda ang kanyang karera sa NBA, maraming naiambag sa Duke University si Christian Laettner, na pangsampu.
Sa papataas na ranggo, naririyan sina Alex Groza, David Thompson, Bob Kurland, Pete Maravich, Oscar Robertson, Jerry Lucas, Bill Russell at Bill Walton.
Subalit ang hari sa kanilang lahat ay si Lew Alcindor, aka Kareem Abdul-Jabbar. Katuwiran ni Russo, binago ang mga patakaran ng laro dahil sa mga ito, kaya mataas ang kanilang ranggo.
Ang di ko matanggap ay ang kanyang paningin sa mga iba pang sport. Mula ika-sampu hanggang pangatlo, pinila niya si Rod Laver, Tiger Woods, Secretariat (oo, yung kabayo), Billie Jean King, Jack Nicklaus, Babe Didirkson, Jesse Owens, at Wayne Gretzky.
Maniwala kayo o hindi, pangalawa lamang sa kanyang talaan si Muhammad Ali.
Numero uno si Jim Thorpe, na tinanggalan ng dalawang Olympic gold medal sa decathlon at pentathlon noong panahon niya. Ni hindi niya nabanggit si Jackie Robinson, na mas malaki ang naitulong sa pagpasok ng mga African-American athlete sa professional sports, o si Mark Spitz at Carl Lewis, na kapwa nakapagwagi ng siyam na Olympic gold medals, o kahit man lang si Al Oerter, na nakakuha ng ginto sa apat na sunod na Olympics.
Magaling si Russo, subalit sa pagkakataong ito, kapos ang kanyang pananaliksik.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am