^

PSN Palaro

Gorres vs Miranda

-
Manatiling malinis ang karta kapag ang laban ay isinasagawa sa US ang isa sa pakay ni Z "The Dream" Gorres sa pagharap niya kay Pedro Rincon Miranda ng Columbia, South America bilang undercard sa isasagawang paghaharap nina Jhonny Gonzales at Fernando Montiel para sa WBO bantamweight title ng una na lalaruin sa Home Depot Center, Carson California, USA.

Dalawang beses nang sumasampa ang 24 anyos, 5’4" kaliweteng boxer na si Gorres sa US upang lumaban at kumbinsido niyang tinalo sina Jose Alfredo Tirado at Glenn Donaire na ginawa ang laban noong Pebrero 3, 2006 at Marso 19, 2005.

Papasok ang tubong Cebu Province na si Gorres sa laban tangan ang 23 panalo sa 25 laban kasama ang 12 KO. May iniingatan din siyang walong sunod na panalo matapos mauwi sa draw ang laban niya kay Randy Mangubat noong Pebrero 20, 2004.

Samantala tatangkain ni Bobby Pacquiao, nakababatang kapatid ni Manny, na ipakita sa mga tao na hindi tsamba ang kanyang ginawang panalo kontra kay Carlos Hernandez ng El Salvador noong isang taon.

Sa Hunyo 10 sa Madison Square Garden ay sasabak si Bobby kay former world featherweight champion Kevin Kelley ng US sa isang 12-rounder na ang World Boxing Council Continental Americas title ni Bobby ang paglalabanan. (LC)

vuukle comment

BOBBY PACQUIAO

CARLOS HERNANDEZ

CARSON CALIFORNIA

CEBU PROVINCE

EL SALVADOR

FERNANDO MONTIEL

GLENN DONAIRE

GORRES

HOME DEPOT CENTER

JHONNY GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with