Inspirado sa mga local fans na dumayo sa Phil-Sports Arena, sinibak ng Asuncion ang pares mula sa Indonesia na sina Tri Kusharjanto at Minarti Timur, 21-15 at 21-18 sa semifinal round kahapon.
"Its already a big achievement going just by making it to the finals," pa-hayag ni Kennie, ang na-kakatandang Asuncion sa edad na 29. "Its hard just to get past in the first round kaya sobrang hapi na kami na makarating dito."
Kinailangang magba-nat ng buto ng magkapa-tid na Asuncion sa ikala-wang set matapos ang magaan na tagumpay sa unang frame.
Kakalabanin ng Asun-cions na siyang natirang pambato ng bansa sa torneong ito na suportado rin ng The Philippine Star, ang bigating Thailand pair na ika-11th ranked sa bu-ong mundo.
Sinibak nina Sudket Prapakamol at Saralee Thoungthongkam ang Indonesian tandem na sina Muhamed Rizal at Gresya Palii, 21-8, 21-9 upang isaayos ang kani-lang laban kontra sa Pinoy bets.
Samantala, naitakda naman ng magkapatid na top seed Muhd Hafiz at Roslin Hashim, ang kanilang titular showdown sa mens singles matapos igupo sina Ponsana Boonsak ng Thailand, 21-19, 21-13 at second pick Wei Ng ng Hongkong, 21-15, 21-19, ayon sa pagkakasunod.
Sa ladies singles, mag-haharap naman sina Sainia Newal ng India at Julia Wong Pei Xian ng Malaysia mata-pos dispatsahin ang mga Ja-pan entries na sina Ai Goto, 21-19, 20-22, 21-14 at Chie Umezu, 21-17, 21-14, ayon sa pagkakasunod.