^

PSN Palaro

Pacquiao, liyamado

-
Kung pagbabasehan ang boxing odds para sa Manny Pacquiao-Oscar Larios fight na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 2, ay aakalain mong isang imbalido ang makakaharap ni Pacquiao.

Ayon sa Mexican media ay 4-1 favorite si Pacquiao laban kay Larios dahil na rin sa magandang record ng Filipino kontra sa mga Mexican boxers tulad nina Erik Morales at Marco Antonio Barrera at maging sina Gabriel Mira, Emmanuel Lucero at Hector Velazquez.

Kahit pa tumabla si Juan Manuel Marquez kay Pacquiao noong 2004 ay hindi pa rin makalimutan ng karamihan kung paano sumadsad ng tatlong beses si Marquez sa first round bago nakuhang iwasan ang kaliwang pamatay na kamao ni Pacquiao.

Malaking bagay din ang ginawa ni Pacquiao kay Morales noong Enero sa Las Vegas kung saan animo’y isang tigreng nilapa ni Pacquiao ang isang usa na si Morales.

Subalit nangako naman si Rafael Mendoza, agent ni Larios na hindi basta-basta na lamang magigiba ni Pacquiao ang kanyang bata.

Ayon kay Mendoza, hindi ang Larios na hinang-hina ang haharap kay Pacquiao sa Big Dome dahil sa tamang-tama ang timbang na 130 lbs para sa Mexican puncher.

"Hindi magbabawas ng timbang si Oscar at itoy’ malaking pabor sa kanya dahil sa kadalasan ay mahina ito sa pagkuha ng timbang na 122 lbs. Dahil nga 130 ang limit ay hindi dadaan si Larios sa hirap," wika ni Mendoza.

Nakatakdang dumating sa Maynila si Larios isang linggo bago maglaban. (JMM)

ARANETA COLISEUM

AYON

BIG DOME

EMMANUEL LUCERO

ERIK MORALES

GABRIEL MIRA

HECTOR VELAZQUEZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

LARIOS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with