Ito ang siyang sinamantala ng Japan upang iposte ang 25-16; 25-15; 25-16 panalo para makabawi sa nauna nilang kabiguan sa 2006 Asian Womens Club Volleyball Championships kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang naturang tagumpay ng mga Japanese, ang nagbigay sa kanila ng 1-1 rekord, habang may 1-2 marka naman ang mga Filipina.
Sa unang aksyon, binigo naman ng Thailand (1-1) ang Indonesia (0-3) via straight sets, 25-11; 25-18; 25-21, tampok ang 12 puntos at 3 blocks ni Wilavan Apinyapong at 10 marka naman ni Malika Kanthong.
Matapos kunin ang first set, 25-16, inilista ng Japan ang 17-9 abante sa second frame buhat sa sideout violation ni Filipina Mary Jean Balse patungo sa pagtipa ng 25-15 panalo.
"We played better defense and we used our height advantage over the Philippine Team," ani mentor Manabe Masayoshi, dating miyembro ng Japan national team.
Bago sagupain ang RP Team, pinangunahan ng 11 puntos at 3 blocks ni Cherry Rose Macatangay kasunod ang tig-5 marka nina Michelle Carolino at Michelle Laborte, natalo muna ang Japan, sa Kazakhstan, 20-25; 22-25; 24-26; noong Huwebes. (RCadayona)