^

PSN Palaro

Pinay belles pinayuko ng mga Haponesa

-
Litaw na litaw ang kakulangan sa international exposure ng Philippine Team. 

Ito ang siyang sinamantala ng Japan upang iposte ang 25-16; 25-15; 25-16 panalo para makabawi sa nauna nilang kabiguan sa 2006 Asian Women’s Club Volleyball Championships kahapon sa Rizal Memorial Coliseum. 

Ang naturang tagumpay ng mga Japanese, ang nagbigay sa kanila ng 1-1 rekord, habang may 1-2 marka naman ang mga Filipina. 

Sa unang aksyon, binigo naman ng Thailand (1-1) ang Indonesia (0-3) via straight sets, 25-11; 25-18; 25-21, tampok ang 12 puntos at 3 blocks ni Wilavan Apinyapong at 10 marka naman ni Malika Kanthong.

Matapos kunin ang first set, 25-16, inilista ng Japan ang 17-9 abante sa second frame buhat sa sideout violation ni Filipina Mary Jean Balse patungo sa pagtipa ng 25-15 panalo. 

"We played better defense and we used our height advantage over the Philippine Team," ani mentor Manabe Masayoshi, dating miyembro ng Japan national team.

Bago sagupain ang RP Team, pinangunahan ng 11 puntos at 3 blocks ni Cherry Rose Macatangay kasunod ang tig-5 marka nina Michelle Carolino at Michelle Laborte, natalo muna ang Japan, sa Kazakhstan, 20-25; 22-25; 24-26; noong Huwebes. (RCadayona) 

ASIAN WOMEN

CHERRY ROSE MACATANGAY

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIPS

FILIPINA MARY JEAN BALSE

MALIKA KANTHONG

MANABE MASAYOSHI

MICHELLE CAROLINO

MICHELLE LABORTE

PHILIPPINE TEAM

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with