^

PSN Palaro

Pinoy nakipag-draw sa Lithuanian

-
ITALY--Nauwi sa draw ang sagupaan ng 35th-seeded Philippine men’s team at ng No. 39 seed Lithuania squad, habang minalas naman ang women’s squad ng yumukod ito sa Kazakhstan sa fourth round ng 37th World Chess Olympiad noong Miyerkules ng gabi sa Olympic Village sa Turin, Italy.

Unang nakipag-draw ang top ranked player ng bansa na si GM Mark Paragua sa kalabang si IM Alexander Cuartas matapos ang Bishop pawn endgame sa 52 sulungan ng Sicilian Defense-Nardorf variation sa board one.

Ito ay sinundan ng pakikipagtabla naman ni GM Eugene Torre sa kalabang si IM Alder Escober matapos ang 37 moves ng Slav Defense.

Nauwi rin sa hatian ng puntos ang sagupaan nina GM Rogelio ‘Joey’ Antonio at IM Sergio Barrientos matapos ang 32-moves ng French Defense-Winawer variation sa board three, habang tinanggap naman ng 12-anyos FM na si Wesley So ang alok na draw ng kapwa niya FM na si Rafael Mendoza matapos ang 28 sulungan ng Bishop Opening.

Sa kabilang dako, pinataob nina WIM Dana Aketayeva at Gulmira Dauletova sina WFM Sheerie Joy Lomibao at WIM Beverly Mendoza sa board one at three, ayon sa pagkakasunod, habang isinalba naman ni Catherine Pereña ang pagkabokya ng Pinay chessers matapos na makipag-hatian ng puntos kay WIM Sofya Zigangirova sa board two.

ALDER ESCOBER

ALEXANDER CUARTAS

BEVERLY MENDOZA

BISHOP OPENING

CATHERINE PERE

DANA AKETAYEVA

EUGENE TORRE

FRENCH DEFENSE-WINAWER

GULMIRA DAULETOVA

MARK PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with