Panalo kailangan ng Tigers
May 26, 2006 | 12:00am
Hindi na kailangan pang pahabain ng Coca-Cola ang kanilang daan patungo sa quarterfinals ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.
Ang kailangan lamang nilang gawin ay ipanalo ang huling asignatura ngayon sa pagtatapos ng classification round.
Haharapin ng Tigers ang Talk N Text sa alas-4:40 ng hapon kasunod ang walang nang bear-ing na sagupaan ng Red Bull at Barangay Ginebra sa alas-7:35 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Iisang awtomatikong quarterfinal slot na lamang ang natitira at kalaban ng Coke dito ang Air21 na nakakasiguro na ng play-off makaraang magtapos na may 7-9 record sa likod ng 7-8 kartada ng Coca-Cola.
Kung magtatagumpay ang Tigers, sasamahan nitong didiretso sa quar-terfinal round ang Red Bull (9-6) at Alaska (9-7) na pareho nang nakasiguro ng slots.
Ngunit kung hindi sila papalarin, suwerte naman ito ng Alaska dahil magka-karoon sila ng tsansa sa automatic quarterfinals berth bunga ng play-off para basagin ang pagta-tabla ng Coke at Express sa 7-9 record. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended