Ito ang ipinahiwatig ng boxing manager na si Michael Koncz sa dalawang protagonist ng Mano-A-Mano, Philippine versus Mexico showdown na humakot na ng malaking atensiyon sa boxing world.
Ayon sa 45-anyos na Canadian promoter ng nakakabatang Pacquiao na si Bobby at Rey Boom Boom Bautista, ang mga Pinoy boxers ay nasa 110% na kundisyon.
At sa nalalabing dalawa hanggang tatlong linggo pang training, inaasahang mas lalo pang huhusay si Pacquiao bago sumapit ang kanilang laban ni Larios na isang pay-per-view. Sa buong 70-round card na inihayag kahapon ng MP (Manny Pacquiao) Promo-tions, tatlong iba pang Mexican fighters ang sasabak sa 10-rounderrs.
Itoy sina Gerson Guerrero laban kay Gerry Peña-losa, Adrian Valdez versus Jimrex Jaca at Alejandro Felix Montiel kontra naman kay Rey Boom Boom Bautista.
Si Bautista ang bagong Pinoy star sa larangan ng naturang sports matapos niyang umiskor ng three-round stoppage laban sa Nicaraguan na si Chucky Bonilla sa undercard ng Marco Antonio Barrera-Ricardo Juarez showdown sa Los Angeles, California.