"Medyo may mga tentative attempts, pero we can correct that as the tournament goes on," sabi ni mentor Constante Re-yes sa mga Filipina belles. "Marami kasing bago sa team at halos two months pa lang silang nagkaka-sama."
Matapos kunin ng Indonesia ang 2-0 abante sa pagbungad ng laba-nan, inangkin naman ng RP Team-Accel ang huling dalawang laro para ilista ang 26-24 tagumpay sa first set bago dinomina ang second frame, 25-13.
Isang block ni Cherry Rose Macatangay kay Kurniati Rita ang nagbigay sa RP Team-Accel ng 25-24 bentahe kasunod ang spike ni Michelle Carolino para sa match point ng tropa.
"Hindi namin ine-expect na magiging con-tender kami dito sa tour-nament na ito, pero lalaban kami every game," dagdag ni Reyes.
Sa ikalawang laro, tinalo naman ng nagdede-pensang China-Tianjin Bridgestone Team ang Thailand-Sangsom, 23-25; 25-19; 25-22; 26-24; samantalang kumolekta naman ang Chinese-Taipei ng isang 25-16; 18-25; 25-21; 25-14 panalo sa Kazakhstan sa unang aksyon.