^

PSN Palaro

RP belles nalo sa Indons

- Ni Russell Cadayona -
Humataw ng tig-15 kills sina Mary Jean Balse at Michelle Caro-lino upang tulungan ang Philippine Team-Accel sa 26-24; 25-13; 26-24 paggupo sa Indonesia-Garuda sa pagbubukas ng 2006 Asian Women’s Club Volleyball Cham-pionships kahapon sa Rizal Memorial Coli-seum. 

"Medyo may mga tentative attempts, pero we can correct that as the tournament goes on," sabi ni mentor Constante Re-yes sa mga Filipina belles. "Marami kasing bago sa team at halos two months pa lang silang nagkaka-sama." 

Matapos kunin ng Indonesia ang 2-0 abante sa pagbungad ng laba-nan, inangkin naman ng RP Team-Accel ang huling dalawang laro para ilista ang 26-24 tagumpay sa first set bago dinomina ang second frame, 25-13. 

Isang block ni Cherry Rose Macatangay kay Kurniati Rita ang nagbigay sa RP Team-Accel ng 25-24 bentahe kasunod ang spike ni Michelle Carolino para sa match point ng tropa. 

"Hindi namin ine-expect na magiging con-tender kami dito sa tour-nament na ito, pero lalaban kami every game," dagdag ni Reyes.

 Sa ikalawang laro, tinalo naman ng nagdede-pensang China-Tianjin Bridgestone Team ang Thailand-Sangsom, 23-25; 25-19; 25-22; 26-24; samantalang kumolekta naman ang Chinese-Taipei ng isang 25-16; 18-25; 25-21; 25-14 panalo sa Kazakhstan sa unang aksyon.    

vuukle comment

ASIAN WOMEN

CHERRY ROSE MACATANGAY

CHINA-TIANJIN BRIDGESTONE TEAM

CLUB VOLLEYBALL CHAM

CONSTANTE RE

KURNIATI RITA

MARY JEAN BALSE

MICHELLE CARO

MICHELLE CAROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with