^

PSN Palaro

Asian Women’s Volleyball papalo ngayon

-
Sisimulan ng reigning champion China ang kani-lang kampanya sa pagpa-panatili ng korona, habang nais naman ng host Philip-pines na maging magan-da ang kanilang debut sa pagbubukas ngayon ng 2006 Hitachi Asian Women’s volleyball club championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Haharapin ng Tiajin Bridgestone China ang Thailand sa alas-4 ng hapon, habang makiki-pagbanggaan naman ang Philippines sa bagitong Indonesia sa alas-6 ng gabing engkuwentro.

Sa unang laro, sa alas-2 ng hapon, mag-uuna-han sa pagsikwat ng panalo ang Kazakhstan at ang Chinese Taipei mata-pos ang opening cere-mony sa ala-1 ng hapon.

Nakakuha naman ng bye ang Japan, na siyang paboritong koponan na manalo sa torneong ito na isang six-game round-robin format na itinatagu-yod ng Philippine Sports Commission, Hitachi Appliances at Bayview Hotel at nakatakda silang sumabak sa laban bukas.

"Every team here in Asia improves a lot so we’re expecting a real tough match here," wika ng Chinese head coach na si Wang Baoquan sa pamamagitan ng inter-preter.

Sasandig naman ang Philippines kina V-League two-time MVP Mary Jean Balce at Cherry Rose Macatangay, katulong sina Michelle Laborte, ang magkapatid na Michelle at Marietta Carolino, Sher-maine Penano, Anna Fulo, Glenda Pintolo, Jinni Mondejar, Jean Espolong, Dahlia Cruz, Christ Lati-gay at Beverly Boto. (BMeraña)

ANNA FULO

BAYVIEW HOTEL

BEVERLY BOTO

CHERRY ROSE MACATANGAY

CHINESE TAIPEI

CHRIST LATI

DAHLIA CRUZ

GLENDA PINTOLO

HITACHI APPLIANCES

HITACHI ASIAN WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with