Rain Or Shine nakaganti na, umusad pa sa semis
May 24, 2006 | 12:00am
Sa wakas ay naka-ganti na ang Rain Or Shine sa Magnolia Ice Cream nang talunin nila ito sa labanan para sa semifinal berth sa 2006 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Nabura na ng Elasto Painters ang masamang alaala ng kanilang pag-katalo sa final series laban sa Spinners noong Peb-rero matapos ang kani-lang 65-60 panalo sa unang laro.
"It was sweet, at least we exacted revenge over Magnolia," ani coach Leo Austria. "Finally, the boys realized how strong they are if they can only put their focus on the game."
Samantala, naipu-wersa naman ng Harbour Centre ang play-off game laban sa Granny Goose para sa huling semifinal slot sa pamamagitan ng 59-51 panalo.
Humakot si Joseph Yeo ng 16-puntos sa second half upang bigyan ng tsansa ang Port Masters na makapasok sa semifinal round.
Muling maghaharap ang Snackmasters at Har-bour Centre para sa nati-tirang semifinal slot bukas sa Olivarez Sports Center din.
Nakuha ng No. 4 na Rain Or Shine ang kara-patang harapin ang No. 1 na Toyota Otis sa best-of-five semifinal round.
Ang mananalo sa pa-gitan ng No. 3 na Granny Goose at No. 6 na Port Masters ang siyang sasa-gupa sa No. 2 na Montaña Pawnshop.
Naglaho ang 57-49 bentahe ng Rain Or Shine matapos umatake ang Magnolia sa pamama-gitan ng 11-4 bomba upang ilapit ang iskor sa 60-61 papasok sa huling 3:11 minuto ng labanan, ngunit ito na ang huling oposisyon ng Spinners na hindi na nagawa pang makaiskor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended