Pinoy chessers maganda ang panimula
May 23, 2006 | 12:00am
Maningning na binuksan ng Philippines ang kanilang kampanya nang talunin ang No. 107 seed Mauritius, isang maliit na island sa Indian Ocean, 4-0 sa pagsisimula ng 37th World Chess Olympiad sa Tuyrin, Italy.
Unang trinangkuhan ng 35th seed Filipinos ang panalo ng mamayani si GM Rogelio Joey Antonio Jr., sa board 1 laban kay Roy Philips.
Ang panalong ito ng Pinoy chessers ay sinundan ng tagumpay nina NM Darwin Laylo sa board 2 laban kay Patrick Li Ying; FM Oliver Dimakiling na nakalusot sa kalabang si Deevarajan Chinnasamy sa board 3 at ang 12-anyos na FM na si Wesley So na humiya kay Patrick Marie sa board 4.
Hindi muna sumabak sa pigaan ng utak ang top two players ng bansa na sina GMs Mark Paragua at Eugene Torre sa opening round upang mai-preserba ang kanilang enerhiya sa mahigpitang rounds sa hinaharap.
Nakatakdang harapin ng Nationals ang 63th seed na Luxembourg sa second round ngayong alas-9 ng gabi na babanderahan naman nina GM Alberto David na nanalo sa Mozambigue, isang nasyon sa Africa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am