^

PSN Palaro

Doha Asiad malapit na pero...

-
Pitong buwan bago ang 15th Asian Games, wala pa ring maisagot ang Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Sports Commission (PSC) ukol sa pagbubuo ng delegasyon. 

Sinabi kahapon ni PSC Commissioner Richie Garcia na masyado nang huli ang Team Philippines para sa pagbubuo at pagsasanay ng mga national athletes na ilalahok sa 2006 Doha Asiad na nakatakda sa Disyembre 1-15. 

"We are very delayed sa preparation natin dito sa Asian Games," pag-amin ni Garcia sa kabagalan na rin ng POC. "Although we are not involve in the preparation of the athletes, we actually fund and support them." 

Ilang beses na ring ibinalik ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. kay athletics chief Go Teng Kok, tumatayong chairman ng Asian Games Task Force, ang rekomendasyon nito para sa mga atletang ilalahok sa nasabing quadrennial event.

 "Palagi namin silang tinatanong sa line-up, pero wala naman silang maisagot" wika naman ni PSC Commissioner Atty. Ambrosio De Luna sa POC.

 Naglagak na ang sports commission ng 30 milyon para sa actual participation ng Team Philippines sa 2006 Doha Asiad. 

Ayon kay Garcia, sapat lamang ang nasabing pondo para sa pagpunta ng 250 miyembro ng delegasyon sa Doha, Qatar. 

Samantala, tuluyan nang ikinandado ng PSC ang opisina ng kontrobersyal na Basketball Association of the Philippines (BAP) sa PSC Building sa Vito Cruz, Malate Manila base na rin sa rekomendasyon ng POC. (Russell Cadayona) 

AMBROSIO DE LUNA

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER ATTY

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

DOHA ASIAD

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with