^

PSN Palaro

‘Boom Boom’ umiskor ng KO sa Nicaraguan pug

-
Impresibo ang kinu-hang panalo ng knockout artist na si Rey ‘Boom Boom’ Bautista sa nakala-bang si Roberto ‘El Chuc-ky’ Bonilla na isinagawa bilang undercard sa laban ni Barrera-Juarez kahapon sa Staples Center, Los Angeles, California.

Hindi man naisaere ang laban sa telebisyon ay hindi ito nakaapekto sa 19-anyos tubong na Candi-jay, Bohol upang maka-pagpasikat sa harap ng mga boxing aficionados matapos bugbugin hang-gang sa tuluyang pabag-sakin ang Nicaraguan su-per bantamweight sa ikat-long round ng naunang iti-nakdang 10-round bout.

Isang kanang upper-cut ang pinakawalan ni Bautista dahilan sa pag-katumba ni Bonilla na hin-di na nakatayo matapos makumpleto ni referee Pat Russell ang 10 bilang. Opisyal na nakuha ni Bautista ang panalo may 2:36 sa orasan sa third round.

Ang tagumpay para sa 5’5 boksingero ay nagtu-lak sa19-0 malinis na karta kasama ang 14 KO ha-bang si Bonilla ay nalaglag sa ikapitong kabiguan sa 30 laban.

Susunod na makaka-laban ni Bautista, na na-kuha ang taguring Boom Boom bunga ng kanyang malulutong na suntok, si Mexican Alejandro Felix Montiel na bahagi sa un-dercard sa magaganap na Manny Pacquiao-Os-car Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum. (LMC)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BAUTISTA

BONILLA

BOOM BOOM

EL CHUC

LOS ANGELES

MANNY PACQUIAO-OS

MEXICAN ALEJANDRO FELIX MONTIEL

PAT RUSSELL

STAPLES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with