^

PSN Palaro

Nasa tamang panahon!

-
Dumating ang tamang pagkakataon para kay Santy Barnachea, team captain ng Sunbolt.

Alam niyang minsan lamang dumating ito kaya hindi na niya pinakawalan.

Kondisyon na kata-wan, pagkawala ng mga national riders, bagong ruta at kung anu-ano pa.

Lahat nangyari sa nakaraang 2006 Tanduay Padyak Pinoy na nagbi-gay para sa kauna-una-hang Tour Piipinas title ng 31-gulang na si Barna-chea na nagmula sa Umingan, Pangasinan.

"Siguro, tong taon na ito ay dumating para sa akin kaya sinunggaban ko na," ani Barnachea na tumanggap ng P75,000 bilang overall individual champion.

Naramdaman ni Bar-nachea ang kakaibang lakas nito upang pangunahan ang  1,219.4-kilometrong 8-day race sa loob ng pinaka-mabilis na oras na 31-oras, 10-minuto at 3-segundo.

"Sa first lap, sabi ko kung hindi magbabago tong gani-tong kondisyon ko, kayang kaya kong kunin hanggang sa second lap hanggang sa nagtuluy-tuloy," ani Barna-chea na nakaagaw ng yellow jeysey sa ikatlong stage at hindi na muling bumitiw pa.

Inamin din ni Barnachea na nakatulong ang pagba-bago ng ruta ng Tour na mas pinaigsi ngayon.

Isa rin sa malaking factor ng kanyang tagumpay ang hindi paglahok ng nga mi-yembro ng national team.

"Nakatulong din ang hindi paglalaro ng ibang malalakas na siklista. At least nabawa-san ang iniisip naming mga national riders," sabi pa ng 2003 Tour of Calabarzon champion na si Barnachea. "Sila kasi talaga ang nagpapa-hirap sa amin," dag-dag pa ni Barnachea.

Gayun-paman, wa-lang pagkaka-taong aaminin ni Barnachea, road racer sa national team, ang kan-yang tagumpay dahil kailangan na nitong mag-ensa-yo para sa Asian Games sa isang Asian tournament sa Kuala Lumpur sa darating na Setyembre. (CVOchoa)

ALAM

ASIAN GAMES

BARNA

BARNACHEA

KUALA LUMPUR

SANTY BARNACHEA

TANDUAY PADYAK PINOY

TOUR OF CALABARZON

TOUR PIIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with