Katunayan, dahil sa pamamayagpag ng Tigers ay naka-mit ni Binky Favis ang head coaching job para sa North Selection. Siya ay naging ikalawang rookie coach sa PBA na nakahawak ng koponan sa All-Star Game. Malaking achievement na rin iyon.
Pero bigla ngang sumadsad ang Tigers.
Marami ang nagsabing ang pagkakaroon ng minor injury ni Ali Peek ang siyang naging dahilan ng sunud-sunod na pagkatalo ng Tigers. Kasi nga, kahit paanoy bumaba rin ang mga numero ni Peek bagamat siya pa rin ang leading scorer ng kanyang koponan sa average na 15.79 puntos bukod pa sa 9.57 rebounds, 1.43 assists, 0.5 steal, 2.07 blocked shot at 3.29 errors sa 34.93 minuto.
Pero siyempre, hindi lang naman si Peek ang dapat na magninging. Dapat, pati ang ibang Tigers ay magtala din ng magandang performance.
Kahit si Favis ay medyo naguguluhan kung bakit sila napagtatalo. Hindi naman mga major players nila ang nasa injured list. Sina Gilvert Lao at Ato Morano na mga role players ang siyang hindi nakapaglalaro so healthy ang mga manlalarong alagang inaasahan ng Coca-Cola.
Marahil, consistency ang problema ng Coca-Cola. Oot nakapag-aambag ng magagandang numero sina John Arigo at William Antonio pero hindi palagiang nangyayari ito, e.
Matindi ang naging panimula ni Arigo dahil sa kumama-da siya ng 29 puntos kontra Air21 sa opening game pero matapos iyon ay nangapa na siya. Kadalasan ay nawawala ang focus niya sa laro at panay pa ang reklamo sa refe-rees.
Si Antonio naman ay minsang matindi sa shooting at katunayan siya ang three-point king. Pero sa sumunod na game, sa rebounding naman siya nagpapakitang gilas at nakapagtala ng career high sa department na ito. Kung magsasabay lang ang husay niya sa dalawang magkahi-walay na department at mapapanatili niya ito sa bawat game, abay baka Most Improved Player ang mapanalunan niya sa pagtatapos ng season.
Kaya naman siguro sinabi ni Favis na sa kasalukuyan ay kulang siya ng outside shooter. Ito marahil ng dahilan kung bakit ginamit niya sa second quarter si Gerard Fran-cisco na dati-ratiy sa endgame na lang ipinapasok kapag malaki ang lamang ng Tigers o tinambakan na sila ng kalaban.
Sa tutoo lang, mapapakinabangan naman talaga ng Tigers si Francisco kung mabibigyan lang ito ng sapat na playing time. Bukod sa puwedeng pumuntos, kumukuha din ito ng rebounds at dumedepensa pa ng maayos. Katu-nayan, kahit sa mga imports ay pinadedepensa ito noong naglalaro pa sa Sta. Lucia Realty.
Marahil nga ay kailangang gamitin na nang husto ni Favis ang buo niyang bench bilang paghahanda sa quarterfinals. Mabuti na rin yung sa crucial na stage ng torneo ay marami siyang sandata!