San Miguel yuko sa Alaska

Katulad ng inasahan ni Alaska Aces coach Tim Cone, gumawa lamang ng eksperimentasyon si San Miguel mentor Jong Uichico. 

Pinalakas ng Aces ang kanilang pag-asa para sa isa sa tatlong quarterfinals berth matapos talunin ang Beermen, 95-77, sa second round ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup kaha-pon sa Ynares Center sa Antipolo City. 

Kumolekta si 6-foot-4 Reynel Hugnatan ng conference-high 16 marka at 12 boards, samanta-lang nag-ambag naman ng 15 at 13 puntos sina Nic Belasco at 2002 PBA Most Valuable Player (MVP) Willie Miller, ayon sa pagkakasunod, para sa 8-7 kartada ng Alaska sa ilalim ng San Miguel (11-4), Purefoods (11-4) at Red Bull (8-6). 

 Naging masidhi ang labanan ng Aces at Beer-men, may bitbit nang out-right semifinals ticket ka-gaya ng Chunkee Giants, sa first half bago nakalayo ang una sa 60-53 mula sa isang 3-point play ni Hugnatan kay Chris Cala-guio sa 1:23 ng third quarter. 

Samantala, magtatag-po naman ngayong alas-4:30 ng hapon ang Ba-rangay Ginebra (6-7) at ang Air21 (5-9) sa Cebu City. (RCadayona) 

Show comments