Natupad ang pangarap ni Barnachea
May 20, 2006 | 12:00am
Ganap na ang pagiging kampeon ni Sunbolt team captain Santy Barnachea sa 2006 Padyak Pinoy Tanduay Tour Pilipinas na nagtapos kahapon sa Marikina City.
Pormal na kinuha ni Bar-nachea ang kanyang kauna-unahang Tour title nang matagumpay at wala itong naging problema sa pagpi-preserba ng overall leader-ship sa final stage na 70-kilometrong Marikina crite-rium na pinagwagian ni Joel Calderon ng Red Bull kaha-pon.
"Kumpleto na ang kasiyahan ko," wika ng 31-gulang na si Barnachea mula sa Umingan, Pangasinan pagkatapos ng 50-laps sa 1.5km course na kumum-pleto ng kabuuang 1,219.4 kilometrong 8-stage race na tinapos ng 2002 Tour of Calabarzon champion sa loob ng pinakamabilis na oras na 31-oras, 10-minuto at 03 segundo para agawin ang korona kay Mail&More rider Warren Davadilla.
"Siguro tong taon na ito ay para sa akin talaga kaya sinunggaban ko na kasi sayang ang pagkakataon dahil minsan lang dumating sa amin ang mga ganitong pagkakataon. Nuon taon nila, pero hindi taun-taon para sa kanila," ani Barnachea na nagsubi ng overall individual prize na P75,000 bukod pa sa P18,000 bilang anim na sunod na araw na overall leader at parte nito sa team prize kung saan third place ang Sunbolt na may P350,000.
Gayunpaman ay hindi pa iniisip ngayon ni Barnachea ang 2007 Tour Pilipinas dahil ang kanyang pangunahing concern ay ang nalalapit na Asian Games qualifying tour-nament sa Malaysia sa September.
Nagpakitang gilas naman ang Red Bull rider na si Calderon na naka-overlap sa main peloton para makalikom ng kabuuang 20 puntos ngunit hindi ito sapat para maagaw niya ang Sprint King title kay Ericson Obosa ng team Inca na sapat na ang nakuhang 8-sprint points kahapon para sa kabuuang 26-puntos kontra sa 22-puntos laban kay Calderon upang isubi ang P20,000 na premyo sa karerang ito na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc. na pinangungunahan ni Gary Cayton, pinangasiwaan ng Philippine National Cycling Association sa ilalim ni Paquito Rivas at sanctioned ng PhilCycling.
Nagkasya lamang ang Air21 team captain na si Frederick Feliciano, ang San Fernando-Baguio Stage 3 winner, bilang runner-up bagamat ilang ulit itong nagtangkang agawin ang yellow jersey kay Barnachea.
Mayroon itong P50,000 overall individual runner-up prize habang may P25,000 naman ang Inca rider na si Ericson Obosa, ang stage 1 Marikina-Cabanatuan City winner.
Tinanghal naman na Rookie of the Year ang top rider na team overall runner-up na Cossack Vodka na si Irish Valenzuela, fourth overall, sa kanyang 31oras at 18.36 minuto para sa P20,000 na premyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended