OPBF title aasintahin ni Jaca vs Hapones

Aasintahin ni Jimrex Jaca, Filipino slugger na pumigil sa Mexican boxer na si Geronimo Hernandez sa first round ng undercard ng Manny Pacquiao-Erik Morales rematch, ang kanyang ikalawang Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) bukas sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ang ipinagmamalaki ng Sibulan, Negros Oriental ay lalaban sa bakanteng OPBF super featherweight crown kontra kay local hero Nobuhito Honmo sa nakatakdang 12-rounder.

Dating pinaghaharian niya ang OPBF bantamweight class may dalawang taon na ang nakakalipas.

Ang bakbakan na ito ay ipapalabas ng Solar Sports sa ganap na alas-9 ng gabi at may replay sa Mayo 26.

Show comments