Nagsalpak ng anim na sunod na freethrows sina Boyet Bautista, Jonathan Aldave at Fil-Am Joe De-vance sa huling 39 se-gundo para ihatid ang Sparks sa 89-85 overtime win kontra Spinners bago maghanda sa semifinal round ng 2006 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.
Ang naturang free-throws nina Bautista, Aldave at Devance ang nagbigay sa Sparks ng 89-83 bentahe sa natiti-rang 11.8 segundo sa extra period matapos itabla ni Fil-Am Kelly Williams ang Spinners sa 83-83 sa huling 52.7 tikada.
Ang dalawang chari-ties ni Williams, kumolekta ng 20 sa kanyang 28 produksyon sa fourth period, sa huling 39.9 segundo ang nagdala sa Magnolia sa extension, 79-79. Sa ikalawang laro, iginupo naman ng sibak nang Hapee-PCU ang Montaña Pawnshop, 78-74, para sa kanilang unang panalo sa second round matapos ang five-game losing slump. (Russell Cadayona)