Matapos ang masinsinang pag-uusap nina Pacquiao at ng kanyang American trainer na si Freddie Roach, sinang-ayunan ng una ang hiniling ng huli na isantabi na ang planong pagsasanay sa Baguio City at sa halip ay sa kanyang gym na ibuhos ang lahat ng paghahanda.
"Its comtimes dangerous to consider altitude training and we will rather focus our training here in Los Angeles," wika ni Roach.
Bagamat aminado na maghahabol na sila sa pagsasa-nay, wala namang pangamba si Roach sa bagay na ito lalo pat si Pacquiao ay kilala na buhos ang sarili kapag nagsisimula na ang pagsasanay sa isang matinding laban.
Sa plano nito ay may dalawang Ruso at dalawang Mexicano ang kinuha ni Roach bilang sparmates ni Pac-quiao kapag nagbalik na sila sa Maynila sa mga petsang Hunyo 19 o 20.
Ang susunod na 11 hanggang 12 araw bago ang laban ni Pacquiao ay mabubuhos din sa pagsasanay.
Si Larios naman ay puspusan na ang ginagawang paghahanda sa Guadalajara, Mexico sa ilalim nina Eddie Reynoso at ng kanyang ama na si Jose.