^

PSN Palaro

Pacman todo na ang ensayo sa Amerika

-
Nasa masusing pagsasanay na ang Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pinakahihintay na Mano-A-Mano laban sa mapanganib na Mexican fighter na si Oscar Larios sa July 2 sa Araneta Coliseum.

Ayon sa ulat mula sa Los Angeles, sinabi ni American trainer Freddie Roach at ng kanyang mga assistants na binibigyan pansin nila ang footsteps at arm movements ni Pacquiao para macounter ang unorthodox style ni Larios, na nangakong bibiguin si Pacquiao sa harap ng mga kababayan sa kanyang laban dito.

Nangako rin naman si Pacquiao na magsasanay ng husto at sinabing ang laban na ito ay para sa kanyang mga kababayang Pinoy. Kasama ni Roach na gumagabay sa pagsasanay ni Pacquiao si Gerry Balabagan, ang Pinoy boxer na nakabase sa Florida.

Sinisimulan ni Pacquiao ang kanyang pagsasanay sa ganap na alas5:30 ng umaga. Pagkatapos na magjogging ng 1011 kilometers, nagtutungo ito sa bahay ni Joe Ramos, ang kanyang FilAm partner sa Glendale kung saan may bahay si Pacman.

Ito ay susundan ng maikling pagidlip hanggang bago magalmusal.

May oras pa rin ito sa pagwoworkout niya sa speedball at punching bag. Pagkatapos ng kanyang routine, uuwi na ito at iidlip na naman bago magtanghalian ng milk at brown bread.

Nagrerelaks si Pacquiao sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga email pagkatapos ng hapunan sa alas7:30 ng gabi at pagkatapos ay magpapahinga sa pamamagitan ng paggigitara. Pagdating ng alas8 ng gabi, tahimik na ang paligid ni Pacquiao.

ARANETA COLISEUM

FREDDIE ROACH

GERRY BALABAGAN

JOE RAMOS

KANYANG

LOS ANGELES

OSCAR LARIOS

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with