^

PSN Palaro

Granny Goose nakasiguro sa No. 3

-
Bukod sa ipinalasap na ikaapat na sunod na kamalasan sa nagdede-pensang Rain Or Shine, tumiyak rin ang Granny Goose ng No. 3 spot sa quarterfinal round bitbit ang ‘twice-to-beat’ incen-tive. 

Kumolekta si Marvin Cruz ng siyam sa kan-yang 15 marka sa over-time upang ihatid ang Snackmasters sa 78-73 tagumpay kontra Elasto Painters sa second round ng 2006 PBL Unity Cup kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila. 

"We just played late and then we caught Rain Or Shine in an off-night," wika ni mentor Robert Sison sa kanyang Granny Goose na may 8-6 rekord ngayon sa ilalim ng 9-3 baraha ng Montaña at 9-4 karta ng Toyota Otis, kapwa nagbulsa sa dala-wang outright semifinals ticket. 

Matapos masadlak sa 64-64 ang laro sa fourth quarter, isang 3-point play ni Cruz at basket ni JR Quiñahan  ang nagpad-yak sa 69-64 bentahe ng Snackmasters sa 3:29 nito bago naidikit ng Elasto Painters sa 73-75 ang laban, 56.6 segundo rito, mula sa tres ni Ronjay Enrile. 

Ang dalawang free-throws ni Cruz buhat sa mintis na tres ni Enrile para sa Rain Or Shine sa huling 1.8 segundo ang nagbigay sa Granny Goose ng 78-73 lamang. 

Sa inisyal na aksyon, sinikwat naman ng Port-masters ang isang upuan sa quarterfinals matapos takasan ang Titans sa overtime, 81-78, na siyang nagpatalsik sa tropa ni Jerry Codiñera kasama ang Teethmasters.  (Russell Cadayona)

CRUZ

ELASTO PAINTERS

GRANNY GOOSE

JERRY CODI

MARVIN CRUZ

RAIN OR SHINE

ROBERT SISON

RONJAY ENRILE

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with