^

PSN Palaro

Bakit maikli na ang tour Pilipinas?

SPORTS - Dina Marie Villena -
Natuloy din ang Tour Pilipinas at nagsimula na ito noong Mayo 12.

Nakakalungkot lamang na 8 stage na lamang ito hindi tulad ng dati na umaabot pa ito ng hanggang 17-21 days.

Maraming ruta ang nawala kabilang na dito ang matarik na pagdaan sa ‘Tatlong Eme’ .

Buti at namintina ang tinaguriang killer lap na Baguio City.

Sa Linggo matatapos ito at hindi rin katulad ng dati, na sa Luneta Park tinatapos ang karera sa pamamagitan ng criterium race.

Ngayon tatapusin ito sa Marikina.

Sayang at marami ang naghihintay dito lalo na kapag tag-araw kung saan naging tradisyon na ang Tour sa iba’t ibang probinsiyang dinaraanan nila.

O well, sana naman next year uli makabalik pa rin ang karerang ito na hinihintay din ng mga siklista.

Pero tanong ng marami bakit daw ganun na lang kaikli ang karera?
* * *
Nakakaawa naman ang nangyari kay Eugene Tejada ng Purefoods noong Linggo ng gabi. Bumagsak si Eugene sa pagkuha ng rebound sa mintis ng kasamang si Roger Yap at pagkatapos ay nadaganan pa ito ni Mick Pennisi.

Pagkatapos nito, naiyak sa sakit si Eugene at hindi na makagalaw mula sa kanyang pagkakabagsak. Nagreklamo din ito ng sakit mula sa likuran pababa sa may spine at nagsabing namamanhid na ang katawan at walang nang nararamdaman.

Umiiyak na bumaba patungo sa playing court ang kanyang girlfriend, ang artistang si Jenny Hernandez upang i-comfort ang kanyang love. Walang magawa ang mga doktor ng team at maging ang PBA dahil ayaw nilang galawin si Eugene kasi baka lumala lang ang mangyari.

Sana naman walang masamang mangyari kay Eugene.
* * *
Marami ang ayaw maniwalang may kakayahan si Oscar Larios na talunin si Manny Pacquiao. Sa mga pahayagan lang daw ito malakas.

Sana huwag mag-over confidence si Pacquiao dahil kay Larios walang mawawala samantalang sa kanya malaki?

Di ba?
* * *
Ang ganda-ganda ng anak ni Alvin at Cindi Patrimonio na si Christine. Nagkita kami ni Cindi sa Production village, kung saan nagwo-work ang anak ko at naroroon ang mag-ina na kasalukuyang may casting sa nasabing office.

vuukle comment

BAGUIO CITY

CINDI PATRIMONIO

EUGENE TEJADA

JENNY HERNANDEZ

LUNETA PARK

MICK PENNISI

OSCAR LARIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with