^

PSN Palaro

Quirimit humirit ulit

-
ANGELES City – May kakaibang lakas na nakukuha si Arnel Quirimit ng Elixir Sports, sa tuwing dadaan ang karera sa kanyang bayan sa Pozzurubio, Pangasinan.

Gaya ng kanyang pagkapanalo sa Stage 2 ng 2006 Padyak Pinoy Tanduay Tour Pilipinas, muling nagkainspirasyon ang 2003 Tour champion na si Quirimit para kunin ang 194.9 kilometrong Baguio City-Angeles City Stage 4 kahapon.

Sa likod ng dalawang stage win ng national team member na si Quirimit, iwinagayway na nito ang puting bandila sa overall individual title na tila patungo na sa mga kamay ng Sunbolt team captain na si Santy Barnachea na lalo pang nakapagpalaki ng kanyang kalamangan na nagpahigpit ng kanyang kapit sa yellow jersey.

"Inspirasyon ko yung pamilya ko kasi dumaan na naman sa bayan ko," pahayag ni Quirimit na isang Corporal ng Special service sa Philippine Army.

Nagsumite si Quirimit ng tiyempong 5-oras,12-minuto at 2-segundo para sa kanyang ikalawang P5,000 stage prize sa karerang ito na inorganisa ng Dynamic Out-source Solutions Inc. sa pamumuno ni Gary Cayton, pinangangasiwaan ng Philippine National Cycling Association ni Paquito Rivas at sanctioned ng PhilCycling sa tulong ng Tanduay Rhum at suporta ng Wow Magic Sing.

Tinalo ni Quirimit sa rematehan sina Aldren Calpito at Oscar Rendole ng Inca na nagkasya bilang stage runner-up at third place ayon sa pagkakasunod kasunod sina Harvey Sicam ng Elixir Sports, Alfredo Asunsion ng Cool Pap at Barnachea bilang sixth place.

Mula sa segu-segundong agwat sa mga mahigpit na kalabang sina Ericson Obosa ng Inca at Frederick Feliciano ng Air21 sa overall individual race na may premyong P150,000, umabot na sa mahigit pitong minuto ang distansiya ni Barnachea na inaasahang mahigpit na tututukan sa Marikina-Lucena Stage 5 ngayon.

"Maganda na ring nadagdagan ko ang lamang ko," wika ng 2002 Tour of Calabarzon champion na si Barnachea na naghabol sa Urdaneta para makalapit sa break-away group na kinabibilangan ni Quirimit.

Si Barnachea ay may kabuuang oras na 17-oras, 57 minuto at 26 segundo  kasunod ang Stage 1 winner na si Obosa na may 7:29 minutong agwat at 7:58 minuto naman na ang layo ni Feliciano na nag-iisip na mag-withdraw sa karera makaraang makaramdam ng hilo kahapon.

Sa labanan para sa P.5 milyong team prize, nangunguna na ngayon ang Elixir Sports sa kabuuang oras na 73:12.39 para agawin ang liderato sa Cossack Vodka na naiwanan nila ng 4:58 minuto habang nasa ikatlong puwesto ang Air21 na may 25.12 minutong distansiya.   (Carmela Ochoa)

ALDREN CALPITO

ALFREDO ASUNSION

ARNEL QUIRIMIT

BAGUIO CITY-ANGELES CITY STAGE

BARNACHEA

CARMELA OCHOA

COOL PAP

COSSACK VODKA

ELIXIR SPORTS

QUIRIMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with