Tinapos ni Feliciano ang 163-kilometrong karera na umahon ng Naguillan Road, bumaba via Marcos Highway bago umakyat uli sa Kennon Road, sa loob ng 5-oras, 19-minuto at 36-secgundo para sa kanyang ikali-mang stage win sapul nang sumali ng Tour noong 2002.
"Malaking natutulong ang experience namin sa national team. Sa lakas pare-pareho na lang, stra-tegy na lang," wika ni Feliciano na nag-alay ng kanyang panalo sa inang si Ze-naida.
Naghabol sa lusong si Feliciano, silver medalist sa Manila Southeast Asian Games noong nakaraang taon, kung saan inabot nito sina Barnachea at kasama-han nitong si John Ricafort at hindi na bumitaw pa sa trangko bago nito naiwanan ang 2002 Tour of Calabarzon champion na si Barnachea sa huling kilometro ng karera papasok sa finish line sa Burnham Park.
Kahit nakaalpas kay Bar-nachea ang stage at nag-kasya lamang bilang runner-up matapos tawirin ang finish line na may 47-segundo dis-tansiya kay Feliciano dahil sa matinding pamumulikat dulot ng malamig na klima na may kasamang ulan at hangin, kapalit nito ay ang yellow jersey na naagaw nito mula kay Ericson Obosa ng team Inca na siya namang ikatlong tumawid ng finish line makalipas ang 1:20 minuto.
Bagamat nahubaran ng yellow jersey, hindi naman naiwanan ng husto si Obosa na may 27-segundo lamang na distansiya sa bagong overall leader na si Barna-chea na may kabuuang oras na 12-oras, 45-minuto at 24 segundo, 56 segundo la-mang ang layo sa third place overall na ngayong si Feli-ciano.