Ubos sila kay Obosan
May 13, 2006 | 12:00am
CABANATUAN City Hindi naging hadlang sa tour veteran na si Erickson Obosa ang madulas at maputik na daan dahil sa ulang dala ng bagyong Caloy upang kunin ang Stage One ng Tour Pilipinas Padyak Pinoy 2006 kahapon.
Hindi bumitaw sa lead pack ang 26-gulang na si Obosa na tubong Manaoag Pangasinan bago ito kumawala sa huling 20 kilometro ng 119.70 kilometrong Quezon City-Cabanatuan City stage kasama si Santy Barnachea na kanyang iniwanan sa huling 150-metro papasok ng finish line.
Tinapos ni Obosa ang karerang nagsimula sa Quezon Memorial Circle at nagtapos sa capitol plaza ng Cabanatuan City sa loob ng 2-hours, 58 minutes at 38 seconds para sa P5,000 stage prize.
Nagkasya lamang sa P3,000 stage runner-up prize ang 2003 Tour of Calabarzon Champion na si Barnachea na naiwanan ng tatlong segundo lamang habang pumangatlo ang rookie na si Harvey Sicam na tumawid ng finish line makalipas ang siyam na segundo sa lap winner.
Hindi naman naging maganda ang simula ng kampanya ni defending champion na si Warren Davadilla ng Mail & More para sa makasaysayang ikatlong titulo.
Naiwanan ito ng halos pitong minuto sa kaagahan ng karera ngunit sinikap niyang maghabol para makapasok bilang No. 9 rider makalipas ang 1:38 minuto sa oras ni Obosa, kasabay sina Air21 team captain na si Frederick Feleciano at Alfredo Asuncion ng Cool Pap.
Nasira ang training program ni Davadilla para sa Tour na ito na may kabuuang premyong P2.6 milyon kung saan ang P.5 milyon ay sa champion team at P150,000 sa individual overall na kinailangan niyang simulan uli.
Nangunguna sa team classification ang One Shot Wonder team sa kabuuang oras na 12 hours at 1-seconds kasunod ang Air21 na may 3:25 minutong distansiya at Sunbolt na may 5:51 minutong agwat para sa labanan sa P.5 milyong premyo. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am